Mga rescue team ng MMDA, handang-handa na sa SONA ng pangulo

Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng husto ng MMDA Rescue Team ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon.

Bilang katunayan nakakalat na sa harapan ng Saint Peter Church sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ang mga amubulansya ng MMDA at Local na pamahalaan ng Quezon City upang umalalay sakaling magkaroon ng tensyon at magkapaluan sa pagitan ng mga militanteng grupo at hanay ng mga pulis na nakadeploy sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Bukod sa mga MMDA nakadeploy din ang mga military at Intelligence ng QCPD at AFP upang kumalap ng mga impormasyon kung mayroon nagpaplanong maghasik ng kaguluhan sa SONA ng pangulo.


Habang abalang-abala ang mga awtoridad sa kanilang paghahanda sa seguridad ng SONA ng pangulong Duterte pinaghahandaan naman ng mga militanteng grupo at grupong Kadamay na nagtipon-tipon sa harapan ng NHA upang iparating sa gobyerno ang kanilang kahilingan ng pabahay at sariling tubig at kuryente sa Pandi Bulacan.

Facebook Comments