Mga rescuers ng national government, napasok na ang ilang bayan sa Albay

Iniulat ng Office of the Civil Defense (OCD) na napasok na ng mga rescuers ng pamahalaan ang ilang bayan sa Albay na lubog sa baha dahil sa Bagyong Kristine, at nagpapatuloy na ang rescue operations sa lugar.

Ayon kay OCD Director Edgar Posadas na kabilang sa mga napasok na bayan ay ang Polangui at Libon, nakapasok din ang mga rescuers sa Camarines Sur at Naga.

Kasama sa mga sumaklolo ang tropa mula sa Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga contingent mula sa Region 8.


Nagpadala na rin ang OCD ng karagdagan augmentasyon upang asistehan ang rescue at relief operations ng pamahalaan sa Bicol region.

Malaking hamon pa rin kasi sa kasalukuyan ang mataas na tubig-baha na humahadlang sa movement ng equipment at manpower ng pamahalaan.

Gayunpaman, tiniyak ni Posadas na sapat ang resources ng gobyerno upang alalayan ang mga biktima ng bagyo.

Facebook Comments