Mga researcher sa Indonesia, nakatuklas ng paraan para mapigilan ang pagkalat ng Dengue

Nakatuklas ng paraan ang mga researcher sa Indonesia para mapigilan ang pagkalat pa ng mga lamok na may dalang Dengue virus.

Ito ay matapos silang mag-breed ng tinatawag na ‘good’ mosquitos o yung species na may dalang Wolbachia bacteria na makapipigil sa Dengue.

Ayon sa World Mosquito Program, kapag nag-breed ang ‘good’ mosquitos sa mga lamok na may dalang Dengue ay inaalis nito ang virus.


Lumalabas naman sa resulta ng isinagawang trial na nabawasan ng ‘good’ mosquitos ang kaso ng dengue ng halos 80 porsyento sa dengue fever ‘red zones’ sa siyudad ng Yogyakarta sa Indonesia.

Batay sa datos ng World Health Organization (WHO), nasa 100 hanggang 400 million kaso ng Dengue ang naiitala sa buong mundo kada taon.

Facebook Comments