MGA RESIDENTE AT NEGOSYANTE SA DAGUPAN CITY, DUMADAING NA DAHIL SA BAHA

Nasa isang linggo ng lubog sa tubig baha ang business district ng Dagupan City. Sa katunayan inirereklamo na ng mga residente ang masangsang na amoy mula sa tubig baha. Kapansin-pansin din ang mga establisyementong kung hindi nagkakaroon ng maikling operation hours ay sarado na ng ilang araw. Resulta at lugi ang karamihan sa kanila umano.
Napipilitan din ang ilang mga negosyanteng nagbubukas ng kanilang pwesto na maglagay ng sandbags para lang mapigilan ang pagpasok ng tubig baha sa kanilang mga establisyemento lalo na sa kasagsagan ng high tide. Samantala ang ilang mga residente namang nais mamili ng kanilang kailangan sa bahay ay napipilitang magtungo sa mga karatig bayan upang mamalengke.
Sa ngayon, tanging paghingi ng paunawa ang hiling ng siyudad dahil sa perwisyong dulot ng tubig baha. Inaasahan naman umanong gaganda ang lagay ng mga kakalsadahan at mga barangay na lubog pa rin sa tubig baha sa mga susunod na araw. |ifmnews

Facebook Comments