Mga residente hindi na dapat maging choosy sa pagpili ng COVID-19 vaccine – Quezon City Mayor Joy Belmonte

Hindi na dapat maging choosy ang mga residente sa kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang ituturok sa kanila lalo na sa mga nakatira sa malalaking lungsod.

Sa interview ng RMN Manila, inihalimbawa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kanilang lungsod na kahit nasa 280,000 doses na ngayon ang naiturok na bakuna ay maliit pa rin ito na porsyento.

Mahihirapan aniya ang mga malalaking lungsod kung mamimili pa ang mga residente ng brand ng bakunang ituturok sa kanila.


Taliwas naman ito sa pahayag ni Navotas City Mayor Toby Tiangco kung saan lalo aniyang dadami ang mga ayaw magpabakuna dahil sa “brand agnostic vaccination” policy.

Ayon kay Tiangco, may karapatan ang mga mamamayan na pumili ng bakunang ituturok sa kanila.

Facebook Comments