Mga residente katuwang ang Philippine Animal Rescue Team nakikiusap na payagang ilikas ang kanilang mga alagang hayop kaysa mamatay sa gutom sa loob ng Agoncillo, Batangas

Umapila ang grupong Philippine Animal Rescue Team, kasama ang mga residente ng Agoncillo, Batangas, na wala na ngang mga bahay na babalikan, wala pa ring mga alagang hayop na dadatnan sa mga otoridad na nagpupumilit makapasok sa loob ng bayan ng Agoncillo, Batangas sa gitna ng ipinatutupad na total lockdown.

Ayon sa grupo, alas-4 pa lang umano ng umaga ay nakaabang na ang ilang mga  residente sa checkpoint ng mga pulis dala-dala nila ang kanilang feeds na ipapakain sana sa kanilang mga naiwang alagang hayop gaya ng baka, baboy, at mga manok.

Paliwanag ng Philippine Animal Rescue Team nangangamba sila na gutom na at nauuhaw ang kanilang mga alagang hayop hindi kasi sila pinayagan ng mga pulis kahapon na makapasok sa Agoncillo.


Ayon naman sa mga residente, kung hindi sila papayagang magpakain ng mga alaga nilang hayop, ay payagan na lang sana silang ilikas ang kanilang mga alaga dahil dito umano nakasalalay ang kanilang pangkabuhayan lalo pa’t malaki rin ang kanilang ipinuhunan sa pagpapalaki ng mga hayop.

Pero kahit na ilang oras na nakiusap at nagmakaawa, wala silang nagawa. Isa-isa rin silang nagsiuwian at sinabing babalik na lang ulit sila bukas.

Facebook Comments