Mga residente mula sa isang brgy. sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nagsasabit na ng pangontra laban sa umanoy gumagalang Aswang.
Erwin C. Cabilbigan
Sa takot ng ilang mga residente mula sa isang brgy. sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao dahil sa umanoy gumagalang Aswang o Maning (sa wikang Maguindanaon) sa kanilang lugar ay kanya-kanya na sila ng pamamaraang ginagawa bilang panlaban umano ito.
Ilang sa mga residente dito ay kanya-kanyang nagsabit na nga bawang palibot ng kabilang pamamahay. Ang iba ay naglagay sa kanilang bintana samantalang ang iba naman sa sa kanilang ding-ding.
Ang iba naman ay naghanda ng matatalas na kawayan bilang sandata umano dito.
Sa kanilang paniniwala ay natatakot umano ang aswang sa bawang at sa matalas na kawayan.
Una rito, ilang mga residente ang nag kwento sa panayan ng RMN COTABATO-DXMY na ilang gabi na nilang napapansin na may kakaibang nilalang ang naglalak sa kanilang bubungan.
Isang lalaki din ang ang nagtamo ng bahagyang gasgas sa likod ng atakehin umano sya ng aswang at isang gambing ang nilapa din nito at kinain ang lamang loob at sinipsip ang dugo nito.
Dahil sa labis nilang takot ay halos dina sila lumalabas pa ng kanilang mga tahanan lalo na sa gabi.
Mga residente mula sa isang brgy. sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nagsasabit na ng mga bawang bilang pangontra sa umanoy gumagalang Aswang.
Facebook Comments