Handa ang lokal na pamahalaan ng Parañaque City na bigyan ng ayuda ang mga residenteng hindi makakatanggap ng ikalawang pamamahagi sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nabatid na halos 170,000 ang bilang ng household sa lungsod ng Parañaque at 77,674 ang nakatanggap ng ayuda ₱16, 000 mula sa SAP.
Nasa 40,000 household ang nasa waitlisted habang 50,000 household ang walang matatanggap na ayuda na handa naman bigyan ng financial assistance ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng PARAÑA-CASH program.
Nagbabala naman ang Parañaque Local Government Unit (LGU) sa mga SAP beneficiaries hinggil sa scammers at pagbebenta ng SAP Forms.
Pinag-iingat ang bawat SAP beneficiaries sa pagbibigay ng mga pribadong impormasyon katulad ng mobile numbers, personal pin numbers, GCASH verification numbers at iba pa dahil maaaring makuha at magamit ang SAP Benefits na dapat ay para sa kanila.
Samantala, nakipag-ugnayan na ang DSWD-NCR Field Office sa mga LGU sa Metro Manila at napagkasuduan nila na ang mga benepisyaryo ng SAP ay bibigyan ng mga quarantine pass at transportasyon upang makuha ang kanilang ayuda.