Pinauwi na ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang ilan nilang mga residente na inilikas bago at sa kasagsagan ng Bagyong Karding.
Nasa 414 na mga pamilya ang pinauwi kung saan nananatili sila sa ilang mga pampublikong paaralan na ginawang evacuation centers.
Ang mga naturang residente ay inalalayan ng mga tauhan ng City Social Welfare and Development Office ng Navotas Local Government Unit.
Nabatid na nagdesisyon na ang lokal na pamahalaan ng Navotas matapos na gumanda ang lagay ng panahon kaya’t pinauwi ang mga residente na nakatira malapit sa tabing dagat at ilog.
Pero bago sila umuwi, nakatanggap muna sila ng mga pagkain at iba pang pangangailangan mula sa City Social Welfare and Development Office at mga opisyal ng barangay.
Facebook Comments