MGA RESIDENTE NA MAY CLEFT LIP AT PALATE SA BAYAN NG MANGALDAN, MAPAGKAKALOOBAN NG LIBRENG OPERASYON

Hatid ang isang libreng operasyon para sa mga residenteng may cleft lip at palate o bingot sa bayan ng Mangaldan mula sa tulong ng lokal na pamahalaan ng bayan katuwang ang Philippine Band of Mercy, Smile Train at Mabuhay Shriners Philippines.
Ngayong araw, August 16 ang pre-cleft mass screening sa district hospital sa bayan ng Mangatarem laan para sa mga interesadong residente na nais sumailalim sa operasyon upang maitama ang lamat na labi nang maging maayos ang pananalita ng mga ito maging para sa mga bata ay malayo ang mga ito sa maaaring kondisyon o impeksyong dala nito sa kalusugan.
Inanyayahan naman ng alkalde ang mga nasasakupan nito at ipagbigay-alam sa mga pamilyang maaaring benepisyaryo ng nasabing programa.

Samantala, magaganap ang operasyon para sa mga kwalipikadong mamamayan pagkatapos sumailalim sa screening sa darating August 26 ngayong taon. |ifmnews
Facebook Comments