Mga residente na nakatira malapit sa Bulkang Mayon, hinimok na maging alerto at sumunod sa pamahalaan

Hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga residente na naninirahan malapit sa Bulkang Mayon na maging alerto sa anumang posibilidad ng tuluyang pagsabog ng bulkan.

Umapela si Go sa mga residenteng nakatira sa loob ng 6-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan na manatiling mapagbantay, makipagtulungan sa mga awtoridad at maging handa sa anumang magaganap.

Pakiusap ng senador at para na rin sa kaligtasan ng mga mamamayan na sumunod sila sa paalala ng LGU at ng gobyerno.


Aniya, kapag sinabi ng gobyerno at ng lokal na pamahalaan na lumikas ay dapat lumikas na dahil ang mas importante ngayon ay kalusugan at buhay ng mga tao.

Kasabay nito, binigyang diin ni Go ang kahalagahan ng local government units sa disaster response efforts kasabay ng paghimok sa mga ito na iprayoridad ang kaligtasan at kapakanan ng mga residente.

Hinikayat din nito ang mga LGUs na tiyakin ang availability at accessibility ng emergency shelters, evacuation routes, at mga pangunahing supplies sa sandaling pumutok ang bulkan.

Facebook Comments