Mga residente na nakatira sa tabing sapa, ilog at creek, nananatili pa sa iba’t ibang evacuation center sa Taytay, Rizal

Photo Courtesy: Taytay Public Information Office

Nananatili pa rin sa iba’t ibang evacuation center ang mga residente sa Taytay, Rizal kahit nakaalis na ang Bagyong Rolly dahil sa paparating na Bagyong Siony.

Ayon kay Taytay Rizal Mayor Joric Gacula, kahapon nang ipag-utos niya ang direktiba na ililikas ang mga residenteng naninirahan sa tabi ng mga sapa at ilog, creek side at mga baybaying-dagat para mapaghandaan ang anumang pinsala ng Bagyong Rolly sa kanilang lugar.

Paliwanag ng alkalde, ang mga residente ngayon ay pansamantalang nanunuluyan sa iba’t ibang paaralan na nagsilbing evacuation centers sa bayan ng Taytay, Rizal sa pangunguna ng Taytay Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD).


Tinitiyak ni Mayor Gacula na mayroong health protocols na sinusunod sa evacuation centers tulad ng social distancing at pagsusuot ng face masks at face shield.

Dagdag pa ng alkalde, nagpadala na rin siya ng mga pagkain ngayong araw sa mga evacuation center at masusing sinusuri kung mayroong mga sanggol at bata na nagkakasakit dulot ng Bagyong Rolly.

Facebook Comments