Biyaheng Misamis Oriental at Occidental si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ngayong umaga.
Ito’y para personal na mabisita ang mga residenteng tinamaan ng kalamidad sa nabanggit na mga lalawigan nitong nakaraang Pasko matapos makaranas ng malakas na mga pag- ulan na nagdulot ng pagbaha at landslide.
Unang pupuntahan ni PBBM ang Oroquita City, Misamis Occidental na kung saan, inaasahang magkakaroon ng aerial inspection ang pangulo bago sumalang sa situation briefing at pagkatapos nito ay ang pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhang residente.
Ngayong alas-9:00 ng umaga inaasahang darating ang pangulo sa Ozamiz Airport.
Kasunod nito ay patungo naman ang pangulo sa Gingoog City, Misamis Oriental na dadalo rin sa situation briefing kasama ang mga taga-Department of Agriculture (DA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of Civil Defense (OCD), Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga local official.