Mga residente na tatamaan ng Metro Manila Subway Project sa Valenzuela City, binayaran na at inilipat ng lugar ng DOTr

Binayaran na ng tseke at lumagda sa Deeds of Absolute sale ang mga Landowners sa Valenzuela City na maaapektuhan ng konstruksyon ng Metro Manila Subway Project.

Ito’y matapos pormal nang pinasimulan ng DOTR ang clearing works sa Partial Operability (PO) Section ng Metro Manila Subway Project kahapon.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, nailipat na rin ang mga Informal Settler Families sa Disiplina Village sa Barangay Bignay, Valenzuela City.


Kabuuang 460 lots ang kailangan para sa partial operability Section ng Subway, at 364 sa kabuuang bilang ang inalok na bilhin base sa kasalukuyang Market Value.

285 na may-ari ng lote mula sa 364 lots ang nauna nang pumayag na ibenta sa pamahalaan ang kanilang inuukupahang lote.

Ang Partial Operability Section ng subway ay binubuo ng first stations sa Valenzuela City at Quezon City, Line’s Depot sa Barangay Ugong, at mga gusali ng Philippine Railway Institute na kauna-unahang Railway Training Center sa bansa.

Tinaguriang “Project of the Century,” ang Underground Rail Line na kayang magsakay ng 370,000 pasahero araw-araw sa unang taon ng pagiging full operations, at target ang Partially Operable sa taong 2021.

Kapag ganap nang operational, may kabuuang 15 stations ang  Subway Project kabilang ang Terminal Station sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Facebook Comments