Mga residente ng barangay Buayang Bato sa Mandaluyong City, ikinatuwa ang clean-up drive ng pulisya

822

Ikinatuwa ng mga residente ng barangay buayang bato sa mandaluyong city ang ginawang clean-up drive ng kanilang mga pulis.

 

Sa pangunguna ni Mandaluyong Chief of Police Police Senior Supt. Moises Villaceran, nilinis nila ang paligid ng nasabing barangay kung saan partikular nilang tinututukan ang ilog pasig na nasasakupan nito.


 

Hinimok din nila ang mga residente na huwag ng magtapon ng basura sa ilog upag hindi na din ito dumaloy pa o makasagabal sa ginagawang rehabilitasyon sa manila bay.

 

Isa din daw itong paraan para ipakita sa mga taong bayan na hindi lamang seguridad ang tinutukan ng mga otoridad kungdi maging ang pangangalaga ng kalikasan.

Facebook Comments