Mga residente ng Barangay Magtanggol, Pateros, nakatanggap ng ayuda ngayong araw

Personal na sinaksihan nina Pateros Mayor Ike Ponce, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, ARTA Secretary Jeremiah Belgica ang pamamahagi ng ayuda sa barangay court sa Barangay Magtanggol, Pateros kung saan naging maayos naman ang pagbibigay ng ayuda.

Ayon kay Mayor Ponce, lahat ay makatatanggap ng ayuda, bakunado man o hindi ang mahalaga ay apektado sila sa mahigpit na ipinatutupad na Enhanced Community Quaratine (ECQ).

Makatatanggap ng P1,000-P4,000 depende sa dami ng pamilya kung mayroong 4 na anak pataas ang makatatanggap ng P4,000.


Paliwanag ng alkalde, natutuwa siya at naging masunurin ang kaniyang mga nasasakupan at nasusunod ang ipinatutupad na health protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Facebook Comments