Sumailalim ang ilang residente ng Barangay Nayom, Infanta, Pangasinan sa isinagawang Mobile Registration Program bilang bahagi ng pagdiriwang ng 36th Civil Registration Month.
Ayon sa ulat, nakinabang ang mga residente sa iba’t ibang serbisyo sa civil registration tulad ng pagpaparehistro at pag-aayos ng mga civil documents.
Bahagi ng programa ang paglapit ng mga serbisyong may kinalaman sa civil registration sa mga barangay sa bayan ng Infanta upang mapabilis ang proseso para sa mga nangangailangan.
Kaugnay nito, pinangasiwaan ang aktibidad ng Pamahalaang Bayan ng Infanta sa pamamagitan ng Municipal Civil Registrar’s Office, kung saan ang Barangay Nayom ang kauna-unahang napuntahang barangay.
Nagpaalala naman ang lokal na pamahalaan sa publiko na mag-abang sa mga ilalabas na iskedyul ng Mobile Registration Program sa iba pang barangay sa bayan.










