MGA RESIDENTE NG BAYAMBANG, NAKINABANG SA ILANG MGA AKTIBIDAD NA ISINASAGAWA NGAYON NG MDRRMO

Nakikinabang ngayon ang mga residente sa bayan ng Bayambang dahil sa kaliwa’t kanang mga aktibidad na isinasagawa ng MDRRMO bilang bahagi ng National Disaster Resilience Month 2023.
Isa mga aktibidad na isinagawa ay ang pamamahagi ng 2023 tarpaulin signages sa lahat ng barangay at paaralan na siyang nagbibigay kaalaman sa mga residente ng kanilang adbokasiya.
Ang naturang pamamahagi ay bahagi ng kanilang information and education campaign.

Inumpisahan na rin ang pagkakabit ng mga solar lights na siya mapapakinabangan ng mga residente na maaaring gumamit nito sa Wawa Evacuation Center nang sa gayon ay mabawasan ang konsumo sa kuryente ng pasilidad.
Nilinis rin at inihanda ng ahensya ang Pugo Evacuation Center na siyang para sa 2-week Community Fire Auxiliary Group (CFAG) Training na ibibigay ng BFP. |ifmnews
Facebook Comments