Mga residente ng Caloocan, hinihikayat na magparehistro para makaboto sa BSKE 2025

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang mga residente na samantalahin ang pagkakataon na magparehistro para makaboto.

Ito’y sa paparating na eleksyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan sa Disyembre ngayong taon.

Sa abiso ng Caloocan LGU, magkakaroon ng satellite registration ang Commission on Elections (Comelec) sa lungsod, kung saan maaaring magparehistro ang mga bagong botante at magpa-update ng records ang mga rehistradong botante.

Mula August 1 hanggang 5 ay gaganapin ang pagpaparehistro sa Kai Mall mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Gaganapin rin ang pagpaparehistro sa SM City Caloocan mula August 6-10, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Sa mga magpaparehisto, dalhin lamang ang mga dokumento tulad ng birth certificates at IDs na patunay na residente ng Caloocan.

Facebook Comments