Mga residente ng Camp Allen hindi natuwa!

*Baguio,Philippines – Nagpahayag ng pagkalungkot ang Punong Barangay na si Maribel Estacion sa Konseho sa paghihigpit na ipinagutos ni Col. Christopher Sab-it. Ayon sakanya ay mas maaga ng ipinapasara ang mga gate mula sa alas dyes ng gabi hanggang alas singko ng umaga. *

*Maliban dito ay ipinagbabawal na rin ang pagpapapasok sa mga taxi sa gate kahit maraming bagahe ang mga pasahero, hindi na rin umano pinapayagang pumasok ang mga private vehicles pati na rin ang mga sasakyan ng mga telephone at cable providers, kasama sa mga ipinagbawal ang pagpapapasok ng mga postman at pati na rin ang ibang medical supplies gaya ng oxygen tanks. *

*Aminado si Col. Sab-it na hindi sila kumonsulta sa mga opisyal ng barangay at sa mga residente nito bago naimplementa ang mga bagong mga patakaran. Depensa naman niya ay ang mga bagong patakaran ay para sa kaligtasan ng nakararami. *


*TAGS: L**uzon, Baguio, 103.9*

Facebook Comments