Hindi na papayagang ilagay sa home quarantine ang mga residente ng Cebu City na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ang mga magpopositibo ay ilalagay sa official quarantine at isolation facilities para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Naniniwala si Año na marami ang hindi susunod sa home quarantine at patuloy pa ring lalabas ang mga ito sa kanilang mga bahay.
Ang hakbang na ito ay ipapatupad katuwang ang Cebu City Government para matiyak na makaka-“graduate” ang lungsod mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Facebook Comments