Mga residente ng Dipolog pinaalalahanan ng CDRRMO na mag-ingat sa mga posibleng pagbaha at landslides dahil sa halos walang tigil na pag-ulan.

Dahil sa nararanasang ilang araw na mga pag-ulan sa Dipolog City, muling nagpaalala ngayon ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Dipolog sa publiko na mag-ingat sa mga posibleng pagbaha at landslides.

Ang nasabing paalala ginawa ni City Disaster Risk Reduction and Management Officer Felipe Mangila Jr. kasunod narin sa nararanasang ilang araw na mga pag-ulan mula pa noong Linggo dahil sa bagyong Paulo na pinalala pa ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Sa ngayon, patuloyng mino-monitor ng CDRRMO ang lebel ng tubig sa Dipolog River matapos ang halos walang tigil na pagbuhos ng ulan.


Kaugnay nito, inabisuhan ngayon ng nasabing tanggapan ang mga residenteng naninirahan malapit sa ilog na mag-ingat sa mga posibleng pagbaha at landslides.
*-30- (M. L)*

Facebook Comments