Mga residente ng Grenfell Tower sa London, nagkilos protesta; Bilang ng mga namatay sa sunog, umabot na sa tatlumpu (30)

West London – Nagkilos protesta ang mga galit na residente ng Grenfell Tower sa Kensington Hall, West London kahapon.

Ayon sa mga nagdaos ng protesta, gusto lamang nila makakuha ng impormasyon kaugnay sa nangyaring sunog sa kanilang tinutuluyan.

Sa ulat, umabot na sa 30 katao ang naitalang bilang ng mga nasawi.


Sinabi naman ni UK Minister Theresa May, na magbibigay ng 5 million British pounds o aabot sa higit P300,000,000 ang gobyerno bilang tulong sa mga naging biktima ng insidente.

Matatandaang tinupok ng apoy ang 24 na palapag ng Grenfell Tower sa hindi pa malamang dahilan na nagsimula sa ikalawang palapag ng gusali noong Miyerkules ganap na ala-una ng madaling araw, oras sa London.

Facebook Comments