Pinayagan na ng otoridad ng Israel na makalabas ng tahanan ang kanilang residente nang walang suot na face mask.
Ito ay matapos mabakunahan ang halos 81% ng kanilang kinakailangang populasyon at kakaunti na lamang din ang bilang ng nahahawaan ng COVID-19 at nao-ospital.
Pero sa kabila nito, pinapayuhan pa rin ang mga taga-Israel na magsuot ng face mask sa mga pampublikong sasakyan at sa matataong lugar.
Samantala, patuloy na maghihigpit ang nasabing bansa sa mga dayuhan maging sa mga residente nitong hindi pa nabakunahan at hinikayat na sumailalim pa rin sa self-isolation.
Facebook Comments