Muling ipinaalala ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang gagawing citywide misting operation sa lahat ng distrito sa lungsod ngayong araw.
Ito ay upang maiwasan ang paglaganap ng Coronavirus Disease (COVID-19) kung saan pangungunahan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa tulong ng Manila Barangay Bureau (MBB) at Kaagapay ng mga Punong Barangay sa Sampaloc (KPBS) ang operasyon.
Magsisimula ang misting operations ng alas-tres ng hapon kaya at paalala ng lokal na pamahalaan sa bawat barangay na alisin ang lahat ng mga barikada at mga nakaparadang sasakyan para sa tuloy-tuloy na operasyon ng mga misting truck.
Bukod dito, manatili din sa loob ng kanilang tahanan ang ilang mga residente at huwag nang maging pasaway pa upang hindi na sila magkaroon ng problema.
Samantala, itinutiring ng lokal na pamahalaan ng maynila na malaking tulong ang paglalagay ng pamunuan ng Sta. Ana Hospital ng decontamination booth sa entrance ng ospital upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 at bilang pag-iingat na din sa kaligtasan ng bawat pasyente maging ng mga frontliners.