Hinikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang kanilang mga residente na bantayan ang kanilang blood pressure.
Ito’y kasunod na rin ng paggunita ng Hypertension awareness month ngayong buwan ng Mayo.
Ayon sa Muntinlupa Local Government Unit (LGU), dapat din ay laging nagpapatingin sa pinakalamalapit na health centers at nagpapakonsulta para matiyak na maayos pa rin ang kalagayan lalo na ang kanilang mga dugo.
Ang hypertension o mataas na blood pressure (BP) ay ang pangunahing sanhi ng sakit na nagdudulot ng stroke, heart attack, at cardiovascular complications na itinuturing na leading cause of death sa Pilipinas.
Facebook Comments