Dismayado ang ilang residente ng Mandaluyong City dahil kakaunti ang nirarasyon na tubig sa kanilang lugar.
Ayon sa mga residente isang linggo na silang walang tubig kaya’t umaasa lamang sila sa rasyon.
Ang iba sa kanila ay puyat na puyat na sa pagkakapila at pagbabantay dahil baka masingitan sa pila kung saan tinitiis nila ang tinding init ng panahon.
Habang ang iba ay dumadayo na sa ibang barangay para makapag-igib lang ng tubig.
Bagamat naiintindihan nila ang desisyon ng Manila Water na unahing rasyunan ng tubig ang mga pampublikong Ospital, nais lang sana ng mga residente na umaksyon ang mga nakaupo sa lokal na pamahalaan para magkaroon sila ng suplay ng tubig.
Facebook Comments