Mga residente ng Marawi, pwede nang itayo muli ang kanilang mga bahay sa Hulyo

Simula sa Hulyo, papayagan na muli ang libu-libong pamilyang Maranao na itayo muli ang kani-kanilang mga bahay sa Marawi City.

Ito ang anunsyo ang Task Force Bangon Marawi (TFBM) matapos ang dalawang taon mula nang umatake ang mga teroristang Maute sa lungsod noong May 23, 2017.

Sa datos ng TFBM, aabot sa 400 internally displaced families ang nananatili sa evacuation centers habang higit 11,000 families ang home-based o nakatira sa kanilang mga kamag-anak sa loob o labas ng Marawi City.


Nasa 1,600 families ang nakatira sa transitory shelters ng pamahalaan.

Ayon kay Task Force Bangon Marawi Chairperson, Secretary Eduardo Del Rosario – pwede na muling balikan ng mga residente ang kanilang mga bahay at gusali sa sector 1.

Ang sector 1 ay isa sa siyam na sector na binubuo ng 250 hectare most affected area sa Marawi.

Bawat sektor ay sakop ang mga apektadong barangay na napinsala ng bakbakan.

Inaasahan namang matatapos ang mga public infrastructures at facilities sa Marawi sa fourth quarter ng 2021.

Facebook Comments