Mga residente ng Marikina, pinaaalerto na sa umiiral na Yellow Rainfall Warning

Inalerto na ng Marikina local government unit (LGU) ang mga residente ng lungsod sa harap ng pinaiiral na Yellow Rainfall Warning bunga ng Bagyong Opong.

Pinangangambahan kasi ang posibleng tuloy-tuloy na pag-ulan sa loob ng isang oras at maaaring magpatuloy ito sa susunod na dalawang oras.

Pinapaalalahanan ang lahat ng mga residente sa lungsod na patuloy na sumubaybay sa mga update at obserbahan ang kalagayan ng paligid.

Samantala, nananatiling normal ang water level sa Marikina River na nasa 14.0 meters

Facebook Comments