Mapagkakalooban na ng tulong pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Program Bayanihan Fund: Tulong Laban sa COVID-19 ang ilang residente ng Tondo, Maynila at Parañaque City ngayong hapon.
Pangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamumudmod ng lima hanggang walong libong pisong tulong pinansyal sa mga residente ng Dagupan St., Tondo, Manila at Barangay Vitalez, District 1, Parañaque City.
Kabilang sa mga makakatanggap ay ang mga senior citizen, person with disability (PWDs), pregnant and lactating woman, solo parent, poor indigenous community, homeless, informal economy workers, below minimum rate, mga empleyadong no-work no-pay, distressed Overseas Filipino workers (OFWs), entrepreneur na may asset na mababa sa ₱100,000, family enterprise owner, farmers, fisherfolks at stranded workers.
Una nang naglaan ang Duterte administration ng ₱200B ng tulong para sa 18M low income households.