Mga residente ng Maynila na nakatira malapit sa estero at Baseco beach, pinaalalahanan na maging responsable sa pagtatapon ng basura

Muling nagpa-alala ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga residente nito na maging responsable sa pagtatapon ng basura.

Partikular sa mga nakatira sa malapit o gilid ng estero at sa Baseco beach.

Ang paalala ng Manila Local Government Unit (LGU) ay kasunod ng ikinasa nilang clean-up operation sa Estero de Magdalena sa Mayhaligue Street.


Dito ay nasa 24 na sako ng basura ang nakolekta sa nasabing lugar na kinabibilanangan ng Styrofoam, bote, plastics, at rubber materials.

Habang pawang mga mga tuyong dahon, sanga ng puno, at plastics na inanod sa dalampasigan ang nakuha sa Baseco beach.

Nanguna sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Department of Public Services ng lokal na pamahalaan ng Maynila at Baseco Beach Warriors sa Port Area.

Kaugnay nito, muling inatasan at pinakiusapan ang mga opisyal ng barangay na magtalaga ng tauhan na magmo-monitor sa mga estero upang maiwasan ang pagtambak ng basura at maging ligtas sa anumang uri ng sakit.

Facebook Comments