Mga residente ng Maynila, pinaiiwas sa pagbili ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon

Hinimok ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga residente na iwasang bumili ng firecrackers sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa halip, mas maigi aniyang ilaan na lamang ang kanilang mga pera sa pagbili ng mas mahalagang pangangailangan.

Partikular na tinukoy na alkalde ang pagbili ng pagkain at vitamins na pampalakas ng resistensya sa harap ng patuloy na banta ng COVID-19.


Sinabi ni Moreno na sa ganitong paraan ay makakaiwas din ang publiko sa disgrasya sa paputok at magiging ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Facebook Comments