Mga residente ng Metro Manila, pinakalma ng PNP sa banta ng terorismo

Walang dapat na ipangamba ang mga residente sa Metro Manila sa banta ng terorismo.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa kasunod ng pagkakapatay sa apat na suspek na may kaugnayan umano sa ISIS inspired group na Dawla Islamiyah.

Paliwanag ni PNP Chief, mga financial conduit lang ang mga napatay sa joint operation ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Parañaque City noong nakalipas na linggo at walang kinalaman ang mga ito sa aktwal na operasyon.


Nandiyan pa rin aniya ang banta ng terorismo kaya hindi sila nagpapakampante.

Sa ngayon, pinaiimbestigahan na rin ni Gamboa sa Civil Security Group kung paano nakapasa sa qualification ng PNP bilang security guard ang dalawa sa mga napatay na mga suspek.

Kinilala ng Parañaque Police ang mga umano’y financial contact ng Dawla Islamiyah na sina Bensaudi Sali at Merhama Abdul Sawari at ang dalawang security guard na sina Rasmin Hussin at Jamal Kamiling.

Facebook Comments