Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang mga residente nito na tangkilikin ang mga itinayong JuanaZero Waste Express Stores sa lungsod.
Ang nasabing mga tindahan ang mga nagbebenta ng mga pangunahing bilihin tulad ng asin, suka, toyo at patis pero kinakailangan na may dalang sariling lalagyan ang mga mamimili.
Nabatid na ang proyektong ito ng Navotas LGU ay panghihikayat sa lahat na iwasan na ang paggamit ng plastic.
Paraan na din ito upang makatipid ang publiko sa paggamit ng mga sariling lalagyan sa halip na bumili ng nakalagay sa sachet o plastic.
Kaugnay nito, hinihikayat muli ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang mga residente na maging responsable sa pagtatapon ng basura lalo na ang mga nakatira malapit sa Manila Bay.
Facebook Comments