Binalaan ni Department of National Defense Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. ang mga residente ng Palanan, Isabela sa posibleng matinding epekto ng El Niño phenomenon.
Ang pahayag ay ginawa ni Galvez sa kanyang pagbisita sa sa naturang bayan nitong Sabado.
Ayon kay Galvez, siya ring Chairman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Palanan Isabela ay isa sa mga lugar na posibleng pinaka-maapektuhan ng matinding tag-tuyot.
Base kasi sa pinaka-huling forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaring magsimulang maranasan ang El Niño mula Hunyo hanggang Agosto, at may 80 porsyentong tyansa na tatagal hanggang sa unang bahagi ng 2024.
Dahil sa El Niño, inaasahan ang mababa sa normal na antas ng pag-ulan na maaring magresulta sa matinding tagtuyot sa ilang bahagi ng bansa.