Mga residente ng Puerto Princesa, Palawan, binulabog ng pagsabog at pagyanig ng lupa sa pagbagsak ng rocket mula sa China

Binulabog ng malalakas na pagsabog ang mga residente sa Puerto Prinsesa City sa Palawan nitong Lunes.

Kwento ng mga residente, may nakita muna silang tila-apoy na bumabagsak mula sa kalangitan bago nagkaroon ng malalakas na pagsabog na yumanig sa lupa.

Una nang kinumpirma ng Philippine Space Agency ang paglunsad ng China ng kanilang long-range rocket mula sa Hainan International Commercial Launch Center pasado 6:30 kagabi.

Kabilang sa mga tinukoy ng PhilSA na drop zone ang 21 nautical miles na layo mula sa Puerto Prinsesa at 18 nautical miles naman mula sa Tubbataha Reefs.
 
Bineberipika pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa rocket launch ang naturang pagsabog sa lugar.

Muli namang pinayuhan ang publiko na iwasang lumapit o kuhanin ang anumang kahina-hinalang bagay na makikita sa karagatan dahil posibleng debris ito mula sa rocket.

Facebook Comments