Mga residente ng Sicilian Village sa Sicily, Italy, nagsagawa ng clean-up drive matapos matabunan ng abo at malalaking bato dahil sa pagsabog ng Mount Etna

49

Nagsagawa ng clean-up operation ang mga otoridad at residente ng Sicilian Village sa Sicily, Italy, matapos umabot sa kanilang lugar ang malalaking bato mula sa Mount Etna.

Ayon kay Pedara Mayor Alfio Cristaudo, napuno ng abo ang bawat daan at eskinita sa kanilang lugar kaya’t agad siyang nagdeklara ng emergency mode sakaling magtuloy-tuloy pa ang aktibidad ng bulkan.


Wala namang naitalang nasawi at sugatan sa nangyaring pagputok ng bulkan.

Nabatid na ang Mount Etna ang pinaka-aktibong bulkan sa Europa.

Facebook Comments