Mga residente sa 10,000 barangay na natukoy na landslide at flash flood prone areas, inilikas na dahil sa banta ng Bagyong Odette

Kasado na ang paghahanda ng regional at local counterparts ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pagpasok ng “Severe Tropical Storm Rai” na tatawaging “Bagyong Odette” sa pagpasok sa bansa.

Mamayang gabi, inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo at inaasahang magla-landfall sa Caraga-Eastern Visayas sa Huwebes ng hapon o gabi.

Sa interview ng RMN Manila kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, ipinag-utos na nila ang pre-emptive evacuation sa 10,000 barangay sa bansa na natukoy na nasa landslide at flash flood prone areas.


Dahil sa posibleng lumakas ang Bagyong Odette sa pagpasok sa PAR, sinabi ni Timbal na kinansela ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang sea at land travel papuntang Bicol Region at Eastern Visayas.

Sa ngayon ay naka-stand by na ang quick response team ng NDRRMC para tumulong sa mga maaapektuhan ng Bagyong Odette.

Facebook Comments