Mga residente sa Bagong Silang, Caloocan, magdedisyon ngayong araw para sa paghahati-hati ng kanilang barangay

Kasado na ngayong araw ang plebisito sa Barangay 176 o Bagong Silang sa Caloocan City.

May 85,846 registered voters ang nasabing barangay mula sa 261,729 populasyon ang inaasahang boboto sa kani-kanilang presinto.

Ang kabuuang registered voters ay kumakatawan sa 15.75% ng buong populasyon ng Lungsod Caloocan.


Pagbobotohan ang “Yes or No” sa plebisito para sa paghahati-hati ng nasabing barangay.

Sa sandaling manaig ang “Yes” vote, mahahati na sa anim na barangay ang Bagong Silang na tatawaging – Brgy. 176-A; Brgy. 176-B; Brgy. 176-C; Brgy. 176-D; Brgy. 176-E; at Brgy. 176-F.

Kaugnay nito, nanawagan ang lokal na pamahalaan sa mga residente na makiisa sa botohan ngayong araw.

Facebook Comments