Bagamat binaha ang malaking bahagi ng Central Business District sa Calasiao, Pangasinan, sinamantala ng mga residente ang bahagyang pagbuti ng panahon upang makapamili at makapaghanda sa paparating na bagyo.
Umabot hanggang binti ang baha sa ilang lugar, habang lagpas tuhod naman sa ibang bahagi ng bayan.
Ilang pamilya na rin ang kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation centers.
Nagbigay rin ng libreng sakay ang lokal na pamahalaan para sa mga apektadong residente.
Patuloy naman ang kanilang monitoring at pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga evacuees. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









