Pinaigting ngayon ang information dissemination sa publiko matapos ang naranasang 5.5 magnitude na lindol sa Pasuquin, Ilocos Norte kahapon lamang, July 15, 2025.
Sa abiso ng Office of the Civil Defense Ilocos, pinaalalahanan ng mga residente ng Ilocos Region na maging alerto at maging handa sa mga ganitong pagkakataon, maging ang pagiging maalam sa mga kinakailangang gawin kapag mayroong lindol.
Napaulat din ang pagsugod sa ilang mga estudyante sa ospital mula sa Ilocos Norte National High School sa Laoag City, Ilocos Norte, matapos mahilo ang mga ito sa pagtama ng nasabing kalamidad.
Nagdeklara rin agad ng suspensyon ng klase noong hapon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte at Ilocos Sur sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan, maging mga trabaho sa mga government offices sa probinsya ay kinansela. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









