Cauayan City, Isabela- May panawagan ang mga residente ng Barangay Didipio sa bayan Kasibu, Nueva Vizcaya dahil sa pangamba ang pagkalat ng COVID-19 virus sa kanilang lugar.
Batay sa facebook post ng United Didipio Community Development, kinukwestyon nila ang tila kawalan ng aksyon ng mga opisyal ng barangay dahil sa pagpayag umano sa pagpapatuloy ng ilang katao mula sa Metro Manila para sa usapin ng minahan sa lugar.
Ayon sa grupo, tila wala na raw ‘bang halaga ang kaligtasan ng mga mamamayan sa lugar dahil sa ilang dayuhan na pinatuloy sa kanilang lugar na posibleng pagmulan ng nakamamatay na sakit.
Panawagan nila sa pinuno ng LGU Kasibu ang pagsisiguro sa kanilang kaligtasan sa kabila ng sitwasyon sa kanilang barangay.
Giit ng mga ito, wala na silang maaasahan dahil sinasabi nilang pasimuno sa paninira ng minahan ang mismong Gobernador matapos maging sandalan ng komunidad ang minahan noong panahon na hirap sila at hindi pinapansin ng pamahalaan.
Katunayan, pinasamahan pa sa ilang kawani ng PENRO Nueva Vizcaya ang pagdating ng nasabing mga tao sa lugar.
Pinag-iingat rin ng samahan ang kanilang mga kabarangay sa grupong binansagang AGHAM na kilala kontra umano sa pagmimina.
Sinisikap naman ng news team na hingan ng pahayag ang Gobernador hinggil sa naturang usapin.