MGA RESIDENTE SA ISLAND BARANGAYS SA DAGUPAN CITY, PINULONG UPANG TALAKAYAN ANG LUMALALANG PAGBAHA SA LUNGSOD AT ANG MGA GAGAWING SOLUSYON UKOL DITO

Pinulong ang mga residente mula sa mga island barangays ng Dagupan City – mga barangay ng Calmay, Lomboy, Pugaro Suit, Salapingao, Pantal kasali rin ang Brgy. Bonuan Gueset upang maipaliwanag ang lumalalang pagbaha sa lungsod at talakayin ang mga gagawing solusyon para rito.
Pinangunahan ang dayalogo ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pangunguna ni Mayor Fernandez katuwang ang ilang kawani mula sa Pangasinan Provincial Government at mga eksperto mula DENR-EMB, PENRO, CENRO, DPWH.
Isa ang heavy silted na mga kailugan, ang tinatawagan na “siltation” o ang ibig sabihin ay “namuong putik” sa mga ilog kung kayat mas lumalala ang pagbaha sa syudad. Bunsod nito ay hindi tuluyang makaagos ang tubig o palabas ng ‘mouth of the river’.

Matatandaan na dagdag pa ng naranasang matinding pagbaha ay ang mga tubig na galing sa kabundukan ang mula rin sa Sinucalan River, sa pag-apaw nito diretso sa Dagupan City bilang ang lungsod ay ang catch basin bago ito tuluyang magexit sa Lingayen Gulf.
Alinsunod dito, tinututukan na ngayon ng LGU Dagupan katuwang ang iba pang ahensya ang mga proyektong sosolusyon sa pagbaha tulad ng tuloy tuloy na dredging operations sa mga kailugan sa Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments