Mga residente sa lugar na nasa ilalim ng MECQ, makakatanggap ng cash aid sa ilalim ng Bayanihan 2 ayon sa Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na ang mga residente sa lugar na inilagay sa 15 araw na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay makakatanggap ng cash assistance na isasama sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Bill o Bayanihan 2.

Ito ang pahayag ng Palasyo kahit may ilang residente pa rin ang hindi nakatatanggap ng kanilang second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pondo para sa cash aid ay kailangang isama sa Bayanihan 2 dahil hindi maaaring isagawa ang pamamahagi ng financial assistance kung walang budget authority mula sa Kongreso.


Habang hinihintay ang pagpasa sa Bayanihan 2, inaasahan ng Palasyo na gagawa ng sariling inisyatibo ang mga Local Government Unit (LGU) para matulungan ang kanilang mga residente.

Sinabi ni Roque na alam ng Metro Manila Mayors na limitado ang resources ng national government.

Gayumpaman, aalamin nila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung maaari pa ba silang makapagpaabot ng karagdagang ayuda sa mga apektado ng mahigpit na quarantine.

Facebook Comments