Mga residente sa lungsod ng Maynila, hinihikayat sa tamang pagtatapon ng basura

Photo by Radyoman Emman Mortega

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang lahat ng residente sa lungsod na ugaliin itapon ng tama ang kanilang mga basura upang hindi maperwisyo ngayong panahon ng tag-ulan.

Ang panawagan ng Manila LGU ay kasunod ng natataggap na ulat hinggil sa mga tambak na basura na itinatapon kung saan-saang lugar partikular na sa mga barangay na binabaha.

Iginiit ng lokal na pamahalaan ng Maynila na dapat magsimula sa bawat residente ang pagiging disiplinado pagdating sa usapin ng pagtapon ng basura dahil sila rin ang mapeperwisyo sakaling dumating ang malakas na buhos ng ulan.


Bagamat puspusan ang ginagawang paghahakot at paglilinis ng Manila Department of Public Service (DPS) sa mga basura, kinakailangan pa rin ang tulong ng bawat barangay.

Payo pa ng Manila DPS, maiging hintayin ang kanilang truck para sa pagtatapon ng basura at kung maaari ay huwag itong iwan o itambak sa mga bagketa, estero at sa gitna ng kalsada o ilalim ng LRT.

Facebook Comments