Mga residente sa Marawi City, napanatag na matapos ang matagumpay na military operation kontra sa mga terorista sa Lanao del Sur

Ikinalugod ng mga residente sa Marawi City ang matagumpay na military operation laban sa Daesh-inspired terrorists sa Lanao del Sur.

Para sa mga taga-Marawi City, ito’y magandang balita para sa Mindanao.

Kasunod ito ng naging pagbisita ni Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chairman Secretary Eduardo del Rosario sa 103rd Brigade sa Kampo Ranao, Marawi City.


Ininspeksyon ni Del Rorasio ang iba’t-ibang mga high-powered firearm na nakumpiska ng tropa ng militar sa operasyon nito sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Maguing.

Ani Secretary Del Rosario, isa itong positibong development lalo na sa paglikha ng kapanatagan at kumpiyansa sa panig ng mga residente ng most-affected areas sa Marawi.

Aniya, mahalaga ang tagumpay ng naturang operasyong militar sa gitna ng papatapos na rehabilitation efforts sa Marawi City.

Kasabay nito, hinikayat ng TFBM chief ang mga Mindanaoan na tulungan ang gobyerno sa laban nito kontra terorismo sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa militar at kapulisan.

Facebook Comments