Mga residente sa Maynila, hinimok ng Manila LGU na makiisa sa Earth Hour 2024

Hinihimok ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga residente gayun ang mga negosysnte sa lungsod na makiisa sa Earth Hour 2024.

Pangunahin na rito ang paglimita sa basura lalo na ang paggamit at pagtatapon ng plastic.

Una nang nagpasa ng resolusyon ang konseho ng Maynila na humihikayat sa pagrecycle at pag-reuse ng basura lalo na ang plastic sa mga negosyo at residente sa lungsod.


Magaganap ang Earth Hour 2024 sa Sabado, March 23 ng alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi kung kailan gagawin ang tradisyunal na pagpapatay ng mga ilaw at ibang appliances.

Gayunman, kasama na ngayon sa programa ng Earth Hour ang pagtugon sa matinding problema sa polusyon mula sa mga plastic na basura.

Ito ay base sa resulta ng pag-aaral ng mga eksperto kung saan ang basura ay umabot na maging sa pinagmumulan ng pagkain tulad ng isda.

Kinakitaan na rin ng microplastics ang mga lamang dagat na mapanganib sa kalusugan ng tao.

Facebook Comments