Sa kabila ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay mas dumami pa ang mga residente sa Metro Manila na nais magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, sa lahat ng lungsod na kanilang pinuntahan ay halos dumoble ang mga nagpabakuna.
Ibig sabihin aniya nito, kakayanin ng Metro Manila ang challenge nila na makapagturok ng 250,000 indibidwal kada araw.
Samantala, muli namang nagpaalala ang mga Local Government Unit (LGU) sa National Capital Region (NCR) na panatilihin ang pagsunod sa health protocols lalo na’t mas nakakahawa ang banta ng COVID-19 Delta variant.
Facebook Comments