Mga residente sa mga conflict-affected areas sa Misamis Oriental, nakatanggap ng Christmas gift mula sa militar

Namigay ng Christmas gift ang tropa ng 58th Infantry Batallion ng 4th Infantry Division ng Philippine Army sa mga nakatira sa conflict-affected areas sa Misamis Oriental.

Ayon kay 4th Infantry Division Spokesperson Captain Linley Marl Dajao, mula December 20 hanggang bukas, araw ng Pasko, mamimigay sila ng Christmas gift sa mga under priviledged indigenous people communities sa Misamis Oriental.

Ayon kay Dajao, ang programa nila itong ay tinawag na “Christmas Drop” na layunin ay mamigay ng food packs, school supplies at mga laruan sa mga under priviledged indigenous people upang kahit papaano ay maramdaman ang diwa ng Pasko ngayong may pandemya at kahit sila ay nakatira sa lugar na malimit ang armed conflict.


500 miyembro ng Higaonon tribe sa Sitio Impadding, Sitio Langusahan, Sitio Mindalawat, Sitio Malunsagay, at Sitio Minsalawagan sa Brgy. Minalwang Claveria Misamis Oriental ang nakatanggap ng Christmas gift.

Ang programang ito ayon kay Dajao ay ginagawa rin ng militar sa mga conflict-affected areas sa Northern Mindanao at Caraga regions.

Facebook Comments