Nakiusap ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga residente sa NCR+ bubble na kasalukuyang nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na huwag umasang magkakaroon ng ayuda na kagaya ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay MMDA Chairperson Benhur Abalos, patuloy pa ring pinag-uusapan ng mga miyembro ng gabinete ang panukalang pamamahagi ng distribution aid sa mga residente ng NCR+.
Kaya apela ni Abalos, huwag masyado itaas ang expectations.
Ang ayudang matatanggap ay hindi kasing laki ng ibinibigay sa SAP lalo na at isang linggo lang ipatutupad ang ECQ.
Ang mga Local Government Unit (LGU) ang aatasang magsagawa ng distribution ng cash aid.
Facebook Comments